Pages

Thursday, May 14, 2009

DIKAGANDAHAN


Kung sasabihin ko ba sa'yo na okay lang ako, maniniwala ka ba?
Kung sasabihin ko namang hindi, may magagawa ka ba para gumaan ang pakiramdam ko? kahit naman ano ang sabihin ko, wala pa ring magbabago....

Kung naku-conscious ka sa malaking belly mo, mag-ala tomboy ka na lang. Hu cares? Okay lang ang lalaking malaki ang tiyan. LUSOT!

Kung ayaw mong magparaya at magbigay ng iyong upuan sa matatanda o di kaya'y sa buntis o may kapansanan na mas nangangailangan, matulog-tulugan ka na lang. Hu cares? pagod ka at antok pa. LUSOT!

Kung sa iyong pagkakatulog ay napabalikwas ka't bumagsak ang iyong ulo, magbutingting ng iyong dala-dalahan o dili kaya'y magmadaling kunin at tingnan ang iyong cellphone. Hu cares? Sige nga, sino ang di nagugulat sa vibration? LUSOT!

Kung sa biglang pag-andar ng tren ay di ka nakapanimbang at sa iyong pagkabuwal ay naapakan mo ang iyong katabi, sabihin mo na lang, "aba'y wala naman tulakan, nakakaapak tuloy tayo eh". Hu cares? yung naapakan mo lang naman ang nasaktan. LUSOT!

Kung sa iyong pagka-abala ay lumagpas ka ng istasyon, o kaya nama'y sa maling direksyon ka napasakay, 'wag kang magulat at sumigaww. Nakakahiya. Manahimik ka na lang. Hu cares? Mas halata lang kapag ika'y nag-ingay. LUSOT!

Kung sa pagbaba mo naalala mong nakalimutan mo pa lang iabot sa konduktor ang iyong pamasahe, huwag ka nang tumakbo pa't at humabol sa dyip. Ayos lang yan. Hu cares? Eh kung isiksik nga nila mga pasahero, daig pa sa dalawang tao ag lamang sa kita nila bawat pasada. LUSOT!

Kung naligaw ka o kaya'y nadukutan o kaya'y napagnakawan habag nasa kalagitnaan ng daan, huwag ka nang humingi ng saklolo o sumigaw man lamang. Hu cares? Walang makikialam sa'yo. Wala ding dadamay nang kusa. LUSOT!

Kung sawa ka na sa buhay na paulit-ulit at walang pag-unlad, matulog ka na lang. Huwag ka ng mag-alala. Hu cares? Malulutas ba ng worry mo ang problema? Lilipas din yan, magdasal ka lamang. LUSOT!

Ingat kaibigan! Nwa'y ng Kanyang kapangyarihan ika'y patnubayan. Amen.