Pages

Monday, February 27, 2012

PERDU

What do you do when you suddenly realize that you are alone, and the future ahead of you is nothing but a blur? You find yourself still trapped in the maze of not being able to know where you are headed...with myriad of choices up front, you can only stare...and you stand still...even breathless...

I was busy at work one day and while on a call, I looked down on the floor and was faced with the glaring: what am I doing here? Then it hit me. What greater purpose do I have to achieve here? Is it worth abandoning the noble task I have been used to?

Are you in a certain situation because God allowed it to happen? Is your free will solely your own decision? Why is it than when life's details become so confusing, we tend to look at the bigger view? We tend to make specifics hazy and just look at life in general - are you generally happy? Then you're good...but it does not always feel like it...

Life is not perfect. That is the ugly truth. But what can we do if the universe is not ready yet to conspire with us to  be where we want to be, have what we want to possess, experience what we want to do, live with whom we would like to belong to? There will be moments of regrets, frustrations, disappointments, even wishful thinking.

Even the perfect flower withers, and falls to barren land...but only after its beauty has graced the face of the earth.

Each of us has a purpose. Each of us has a goal. Each of us has a plan to pursue, whether we know it or not. But we all have our own ways and means. And though our individual differences may set us apart, we all are one in keeping up with what life has to offer, in our determination to make life livable, lovable and laughter-worthy. We may not always know when, where or how but deep inside we just got to believe and nurture the hope that we will get there somehow.

Be patient. Just hang on.
Be faithful. Just do it.
He will do the rest.
Amen!

Tuesday, February 14, 2012

Heart's Day High! (Don't Say Cheese-y! Just Say Smile!)

Yes! The day has come for hearts to celebrate again. Paloozas everywhere. The blue-green earth glows pinky-rosy-red and goes a-bloom with bouquets and special presents.

Yes! Even the SAD moment for independent (aka single) beings has long been commemorated with glee on the same day that HAPPY unavailable (aka committed, attached, taken, married) beings go crazy about love and sweeetness and preparations and promises.

Yes! The other day aside from Christmas when people think about, and hope for, love...and they smile...a lot! :-)

In honor of today's big event, I want to share a very heart-warming story I have read through a post on one of my FB friends' wall. Aptly titled "A Winning Smile", the story brings one the feeling of a success so dictated by fate, of a love that conquers, of an out-of-the-fairy-tale-pages happily ever after.

Truly, a smile goes a long, long way. As the saying goes, it is a curve that sets everything straight. A smile at the beginning of a day keeps all the worries away. A smile is your best make up - it is the most inexpensive way to change your looks! 

So before the spirit of love wears out at the closing of to-day, let me share with you some thoughts to smile for. May we always be reminded that love may not always come around, but...
...everytime you smile at someone, it is an action of love, a gift to that person, a beautiful thing.  ~Mother Teresa

A smile is the light in the window of your face that tells people you're at home. 

mi familia me hace sonreír - my family makes me smile
(it's not always a homey home, but when the going gets tough, mi familia is a sure shelter to seek comfort and protection from)

 A smile is a powerful weapon; you can even break ice with it.

mis amigos me hacen sonreir - my friends make me smile
(my colleagues con friends for years...may our very first smiles bring us together again)

Every scowling face also contains the shapes of engaging smiles, just waiting to be released.  ~Dr. SunWolf

mis estudiantes me hicieron sonreír - my students made me smile
(so, whether you are a newbie, a lost soul, or a tenured welcoming newbies, worry not, strangers are friends we just have not met yet;-) 

Smiling is infectious, you can catch it like the flu. Someone smiled at me today, and I started smiling too.

estos niños me hacen sonreír - these kids make me smile

If you smile when no one else is around, you really mean it.  ~Andy Rooney

mis cosas favoritas me hacen sonreír - my favorite things make me smile (so find time for your faves. You'll never know, maybe they're really the love/s you might have been searching for. ;)



 |be in love|smile|be happy|smile|live life|smile|


Saturday, February 4, 2012

KWENTONG LANSANGAN

Tara na! Sakay na!
Kung tutuusin, maari na akong maituring na taong lansangan. Sa dalawampu't-apat na oras na meron ang isang araw ko, mahigit pa sa labing-apat na oras akong wala sa bahay - ibig sabihin, nasa labas

Sa isang ordinaryong araw na may pasok sa opisina, ilang pamamaraan ng transportasyon ang nasasakyan ko - (1) tricycle mula bahay hanggang sakayan, (2) FX o dyip mula sakayan hanggang sa istasyon ng tren, at (3) LRT, at (4) MRT.

Maaari ring maipahiwatig na (1) madalas ay biktima ako ng trapik, (2) marami akong taong nakakasalamuha sa bawat paglalakbay at (3) malaki ang tsansa kong makakuha ng mga virus o polusyon o anupaman na maaaring magdulot ng problemang pangkalusugan.

Wala naman akong magagawa. Ah, baka meron, di ko pa nga lang kaya haha! Nasanay na din ako. Maliban sa ilang paglilipat-sasakyan, nasanay na din akong maglakad, umakyat, pumanaog, pumila, magpa-inspect ng bag, gutumin sa byahe, kumain sa byahe, masukahan ng katabi, pawisan bago pa man magsimula ang oras ng trabaho, maghabol ng oras, makipagsiksikan, makipagtulakan (ah, mali, maitulak pala), magbasa ng nobela, makatapos ng isang buong dasal ng rosaryo, bumuo ng tula habang nag-aantay, maiwan, tumayo sa buong byahe at umupo sa kakapiranggot na pwesto. Kulag na lang talaga maranasan ko din ang pagsabit sa dyip - yun na lang at kumpleto na. :D

Sa mga pakikibakang yaon na kaugnay ng masalimuot na buhay lansangan, marami din naman akong natutunan- makibaka, magtiis, magsikap, maging wais, maging maingat, maging mapanuri. Sa isang banda, kahit naman parang napakahirap ng gawaing ito, lalo na't kung araw-araw mo ginagawa, mayroon at mayroon ring mga magagandang karanasang sumusulpot paminsan-minsan.

Lahat naman siguro tayo ay nais lamang makarating agad nang ligtas sa paroroonan. Nasa sa atin na lang kung kakayanin nating lagpasan ang pisikal na pagkapagod (kagaya ng pagtanggap na bahagi talaga iyon ng paglalakbay). Sa ganang akin, naging automatic na ang mga kilos ko kaya't habang nasa byahe ay nagagawa ko nang matulog at magising sa saktong babaan at magbasa nang di naaabala ng ingay o gulo sa kapaligiran. Kanya-kanyang trip lang yan. Tiyak naman, makakarating pa rin tayo sa paroroonan.

Kaya't habang ang trapik ay di pa kaaya-aya para magdala ng sariling sasakyan, at habang malayo pa sa katotohanan ang minimithing tahanang malapit sa pinapasukan, inaaliw ko na muna ang aking sarili sa mga tanawin, o pangyayaring aking nadadaanan. Heto nga't mayroon akong naipong mga katanungan, na sana'y mayroon ding kasagutan para sa ikatatahimik ng aking isipan. ;-)

1. Bakit pinapagpag ang upuan sa jeeepney bago upuan? 
Kapag may bumababang pasahero, ugali  ng mga taong umurong ng upuan papunta sa may likurang bahagi ng dyip. Ngunit, bago nila upuan ang pwestong kababakante lang, pinapagpag muna nila ang bahaging iyon. Bakit kaya?
(Ngapala, kung sa dyip, ayaw mong maging tagapag-abot ng bayad sa mamang drayber, pumuwesto ka sa harap o kaya sa dulo. Ingat lang sa mga holdaper, o isnatser. Subalit kung baguhan ka at di mo pa kabisado kung saan ka bababa, mas maiigi nang sa pinakamalapit na pwesto ka sa drayber umupo, para siguradong mapaalalahanan mo siya kung saan ka dapat ibaba. Isa pa, mas madali mong mahihingi ang sukli mo kapag malapit ka sa kanya.)

2. Delikado nga ba talaga ang paggamit ng cellphone habang nasa gas station?
Minsang dumaan ang bus sa may gasolinahan, nagkataong nakatanggap ako ng text message. Dahil nawala sa isip ko, kagya't kong inilabas ag telepono ko at binasa na ang mensahe. Nagulat ako ng pagalitan ako ng katabi kong marahil ang tingin sa akin ay batang walang pakialam. Sabi nya: "bawal ang cellphone sa ganitong lugar. Patayin mo yan!" Kakaloka! Sinubukan kong magsaliksik tungkol dito. May mga nabasa akong mga tala ng insidente ng pagsabog, subalit may mga nabasa din akong para namang walang koneksyon ang pagsabog, gasolina at cellphone at walang dahilan ang katabi kong punahin ako nang ganun. Ano ba talaga ang totoo, ate, kuya? Heto at basahin ang excerpt mula sa isa sa mga paborito kong TV show na Mythbusters:

Using one’s cell phone while pumping gas/petrol can cause an explosion.

BUSTED!
A properly-working cell phone poses almost no danger of igniting gasoline, even when surrounded by gasoline vapor with the optimum fuel-air mix for ignition. The actual risk comes from an electrostatic discharge between a charged driver and the car, often a result of continually getting into and out of the vehicle.
(Wala namang masama kung susunod. Isa pa, nakapaskil talaga sa mga gasolinahan ang "please turn off your phone while refueling." Siguro, sa pangkalahatang katahimikan, at kaligtasan, ipagpaliban na muna ang pagbasa o pagsagot sa mga mensahe o tawag sa telepono. Para sa karagdagang kaalaman, sundan ang link na ito: (paki-click dito))

3. Paano inaalam  kung pang-ilanan ang isang dyip?
Mayroon bang tamang sukatan kung ilan ang dapat lulan ng dyip? ANg mga konduktor kasi, sasabihin, "o dalawa pa, dalawa!" Yun pala, ang natitrang espasyo ay kulang na para sa isa. Ang mahirap pa, lalo na kapag galing sa terminal, hindi aandar ang dyip hangga't di "napupuno". Bahala nang puno na ang mga kasunod sa pila. Napaka....ay ewan! 
(Kapag nagmamadali ako, tinitiis ko na ang kapiranggot na espasyo, kahit alam kong mamanhid ang mga binti ko. Pero kung tutuusin, di dapat pinahihintulutan at inaayunan ang mga ganitong sitwasyon. Bawat galaw ng dyip, preno man o patakbo ay maaaring magdulot ng sakuna dahil sa pagkahulog. Kaya, kapit mabuti. O kaya, kung wala namang hinahabol na oras, sa susunod na dyip na lang. Sana, yung LTFRB ay magkaroon ng kaukulang batas para dito. Parang kasing sinukat sa bata ang bilang ng sakay. Dapat standard adult size ang basehan. Nagsaliksik ako tungkol dito at ang artikulo tungkol sa "Land Transportation and Traffic Code" ang nakita ko. Napakahaba ng mga detalye at sa aking pagbabasa, tanging sections 33 at 51 lamang ang nakitaan ko ng pahayag na patungkol dito. Maaaring basahin ang kabuuan ng Republic Act dito.)

4. Sino ang nakaisip ng "hatak mo, stop ko?"
Ang galing! Hanga talaga ako sa imbensyong ito. Di mo na kailangang sumigaw ng "PARAAA!". Sana lahat ng dyip may ganito. Minsan kasi, medyo nabibingi na ang mga drayber. Minsan naman, sadyang napakalakas nilang magpatugtog ng stereo
(Wala bang batas laban sa sobrang lakas na tugtog ng stereo? Di ba nga ipinagbabawal ang paggamit ng telepono habang nagmamaneho. Di ba ganun din ang sakunang maaaring maidulot ng nakabibinging tugtog ng radyo? Nakakasira pa ng moment kapag gusto mong magnilay-nilay habang naglalakbay. Buti na lang minsan, may nakakaialiw na mga "kasabihan" na nakasabit sa dyip, kagaya ng nasa ibaba. :-)

Sabi pa ng ibang karatula: "Full the string to stop." (googleimages)

5. Anong oras pinaka-polluted ang lansangan?
Sabi sa akin ng isang propesor ko dati, di raw maiigi ang mag-ehersisyo o tumakbo sa madaling-araw o umaga dito sa Metro Manila. Ang dahilan, sa mga oras na ito daw, napakababa pa ng smog. Malaki ang tsansang malanghap mo ang polusyon sa hangin na nabuo ng nakalipas na araw. Aangat lamang ang fog kapag marami ng aktibidad o paggalaw sa malapit sa lupa (literal). Di ba ito ang oras na marami nang bumibyaheng dyip? E di polluted  pa din? Kelan nga? Wala akong nahanap na patungkol dito. Subalit kung interesado kang malaman ang mga kaakibat na suliranin ng polusyon, lalo na sa kalusugan, basahin ito.

ALAM MO BA?
...na kahit malinis ang makina ng kotse, ang polusyong dulot nito ay malaki pa rin kapag mabagal itong tumatakbo dahil sa trapik?
...na ang BOYSEN ay naglunsad ng proyekto (ang Everyone Deserves Safe Air Artworks) sa EDSA na kung saan ang mga pinturang ginamit ay nakakalinis ng noxious air pollutants)?
...na ang mga residente ng Metro Manila ay maaring magkaroon ng mas maikling buhay dahil sa mga dust particles na nalalanghap mula sa hangin sa araw-araw na byahe? 
(Pinakamaiging maghanda na lang ng bimpo o panyong pangtakip sa bibig at ilong habang binabagtas ninyo ang mausok, maalinsangan at maalikabok na daan. Kahit anong oras pa man iyan, di ka na masyadong mababahala ng polusyon.)

6. Bakit matrapik tuwing umuulan (o pagkatapos ng ulan)?
Inisip ko nung una, siguro natatakot mabasa ang mga sasakyan kaya naman sabay-sabay na silang nagpapakita sa lansangan pagkatapos umulan. Mali. Pero may punto di ba? Maraming drayber na din akong na-interview tungkol dito. Sa pangkalahatan, baha ang itinuturong dahilan. May mga daanan daw na kailangang iwasan kaya naantala ang takbo ng trapik. Hayun!
(Dahil nga pabago-bago na ang panahon ngayon at di mo na alam talaga kung kelan uulan, para makasiguro, magbaon ng pagkain/inumin kagaya ng biskwit o kendi sa iyong dala-dalahan. Mahirap ng magutom. At, parati din magdala ng kahit konting extra na pera. Makakatulong yun.)

7.Bakit nagpapa-gas ang mga drayber kung kelan paalis na at may mga pasahero nang nagamamadali?
Di ko rin ito mainitindihan. Wala bang etiquette  para sa mga ganito? Di ba dapat bago ka pumunta ng terminal at magpasakay dapat handa na ang sasakyan na bumiyahe sa ano mang oras? Baka nagtitipid din ng oras ang mga drayber. Pero sana isaalang-alag din nila ag mga pasahero.
(Mas nabibigyang-puna ko ito kapag ako'y mahuhuli na sa pagapasok. Siyempre, kapag mahaba pa ang oras mo, ayos lag na ma-antala ng konti. Kaya lang, madalas sa minsan, nahuhuli ka kesa maraming oras. Para makasiguro, isinasama ko na lang sa oras ng byahe ang ilang minutong ginugugol sa pagpapa-gas. Di bale ng maaga, di lang mahuli.)


8. Bakit parating mahaba ang pila sa bilihan ng tiket? Gusto ba nila parating maabala?
Naitanong ko ito dahil di ko maiugnay ang pangyayari sa kampanyang "iwas pila na, may libreng sakay pa!" Parati namang sumasakay sa tren ang mga taong nakapila araw-araw. Di ba dapat tagkilikin na nila ang stored value? Sabi ng kapatid ko, baka di sapat ang pera sa halaga ng stored value card. Hmm, di ba mas matipid yung ganun? Di ka pa maabala. 
(Basta, kung alam mo namang palaging tren anag sasakyan mo paroo't parito, pag-ipunan mo na ang card. Napakalaking ginhawa kapag di ka na kailangang pumila. Tipid na sa oras, tipid pa sa pera. ;-)

Mga Linya ng Tren sa Metro Manila (googleimages)

9. Bakit nakakainis kapag si manong drayber ay pina-aandar na parang pagong ang sasakyan dahil "gumagapang" ng mga pasahero sa tabing-daan kahit wala namang pumapara?
Hahaha! Alam kong nakakainis talaga lalo na kapag natantiya mo na ang oras ng byahe mo at may hinahabol kang oras sa pupuntahan mo. Dapat di na itinatanong kung bakit. Subalit, alam ko din na kailangang kumita ng drayber kaya hangga't maari,  gugustuhinn niyang parating puno ang minamaneho niyang sasakyan.
(Pa'no na? Di naman tayo makasarili hane? Wala na rin akong masabi. Nagalak lang ako nang marinig ko sa balita na may panukalang bigyan ng minimum wage ang mga drayber para sa isang araw na trabaho/byahe. Maaaring di na masyadong mag-antay pa ang mga drayber na mapuno ang bus, dyip o FX, at di na rin masyadong siksikan. Pero alam din nating di pa ito masyadong pulido. Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.)

10. Nasaan na ang mga e-jeepney?
Minsan pa lang ako nakasakay ng e-jeepney. Ito ay noong mag field trip kami sa Philippine Science High School. Tandang-tanda ko pa kung gaano nasiyahan at naaliw ang mga bata habag lulan ng sasakyan. Hay. Pero nasaan na nga ba sila? Ang alam ko, sa Makati may mga ganito.Sundan ang link na ito para sa karagdagang kaalaman.

Ang e-jeepney stop sa Makati

Marami pa akong naipong mga kataungan. Idadagdag ko na lang sa susunod at ang dami ko nang nasabi haha! Baka nakatulog ka na, di mo pa natapos basahin ang kabuuan nitong akda. Ingat na lang sa byahe, kaibigan!