Pages

Saturday, July 30, 2011

My SSID

iNID. RG. FTTP. SHO. U-VERSE. HTML. POTS. STB. HPNA. LAN. WPA. NIC. URL. ATTIS. iPSU. BBU. FTTN. VIP 1216. CPE. BAU. SVCS. MT151. SBS. IPN330. IPDSLAM. WFE. WEP. DHCP. DNS. NYA. DOD. TAT. AHT. CRR. TA. SME. SOM. CAN8. CEC. PDC. VDSAT. QM/L. VIP. CBR. ETC.


These are just a few characters of the new language I am learning about. Well, what can I say?* "Mesmerizing" huh!


I have been dealing with this one for quite a long time now and I'd say I am getting the hang of it already. But, wait, there's more!* Being able to identify, define and describe these things is not even a quarter of what I am supposed to know to be able to survive in the new arena called technical support.


I have been through a lot of heart attacks since Day 1 until current date. I have never ever been this constantly challenged in my whole life! I may have been used to public speaking but what I thought I was comfortable doing has been shadowed by the demanding and perfection-seeking  position I've gotten myself into. Argh! Can I sorry, myself?* Of all the opportunities following the conclusion of my longest-termed, latest project, I took this one at the blink of an eye.


But I am not really sorry. Though I died after every evaluation/ assessment/ interview/ test, I have also been constantly resurrected every time. I almost, literally, felt my heart jumping out of its cage when I failed big time with a very simple thing. Oh my SSID*! It was a matter of life and death. It was among the very few moments when I wished for the ground to break and swallow me whole. Whoa! But I survived! I don't know. Either I am lucky, or I am blessed. :D 


The learning experience, though really mind-boggling,  has been FUN. Though I and my wave-mates kept transforming into our "soul" forms every now and then due to on-the-spot checks and tasks, we always find chances for laughter and happy times, and we always get the job done. Well, maybe not as perfectly as demanded, but getting closer and closer to the goal as days go by.


I consider the trouble I had with SSID as the best example for learning from mistakes. I may permanently carry the WEP tag but I know more now than what the letters are for. Our TAs and the SATs will always be there to put pressure on me but I will not let my BBU lose its energy. I know I have to improve on my AHT, do VIP to avoid CRR, take advantage of IPDSLAM and iNID cases, consider my own LSBBT to look into my QC and TAT performance, master RG and its neighboring systems, be more gentle with DOD, befriend BIBA, employ the "intricate" paths provided by WFE - all in all to ensure QCS.   


Time is of the essence. Everyday is a learning experience. Help, support and cooperation are significant requirements. 


I shall continue to be steadfast as MT151. Off to be SME! Hahaha! XD



Those marked with * are some of the wave's favorite expressions. So be them

Monday, June 27, 2011

MADALANG MADALING ARAW

Nagising akong dama ang kaginhawaan
Sapagkat ang mahimbing kong tulog ay dala ng kapaguran
Bumangon ako't lumuhod sa may paanan ng higaan
Diyos na nagbigay buhay ay pinasalamatan

Paglabas ko s aaming munting tahanan
Napakagandang tanawin aking nasulyapan!
Liwanag na dala ng bukang-liwayway di matatawaran,
Waring napaglaruan, kulay ay sumabog sa kalangitan!

Good morning, sunshine!

Kaysarap balikan ang mga araw na kasabay mo ang Haring gumising at magsinula. Ang init na dala ng kanyang sinag ay waring nagbibigay enerhiya upang magampanan ang mga tungkulin sa susunod na dalawampu't araw na oras ng pakikibaka.

Pero iba na ngayon. Sa bukang-liwayway nagtatapos ang araw ko. Tanging tanawin na lamang ang kayang tanggapin ng aking isipan. Naisip kong nakakalungkot naman. Habang ang karamihan ay pasimula na sa bagong buhay, ako patapos pa lang sa nakalipas.

Ngunit di pala ako nag-iisa. Sa halos araw-araw na paglalakbay, marami akong nakita na dati di napapansin dahil nakatutok lang ako sa magandang sikat ng araw. Meron palang mga taong halos nananalig na lang sa bagong-buhay, bagong-araw kahit di ito nakikita o nararamdaman. Sila yung patuloy na gumagawa kahit pa dis-oras, o kahit pa di pangkaraniwan ang kanilang kinalalagyan.

Si Aleng Kendi ay nagtitiis ng hamog, polusyon at masangsang na amoy ng lansangan may maipakain lang sa mga maliliit na anak na nag-aaral. Para sa kinabukasan. Kahit sa daan na matulog. Kahit konti lang ang kita.

Si Manong Dahlio ay di alintana ang gutom para lang may maipong pantustos sa pangangailangan. Humahabol sa humaharurot na dyip, sumisigaw nang buong-lakas. Parating alerto. Para sa kapakanan ng pamilya. Kahit barya-barya lang ang katumbas ng pamamalat. Kahit maulanan. Kahit minsan tinatakasan ng mapagsamantalang drayber.

Si Kuya Boy ay di sapat ang tulog ngunit parating nakabantay pa din, inaabangan ang bawat darating na sasakyang kailangang parating tumakbo. Para sa pang-matrikula. Kahit pa alam nang may masamang dulot sa kalusugan ang palagiang pagiging exposed sa likidong ibinebenta niya.

Si Mang Pistolo ay gising buong gabi upang protektahan ang gusaling nakatalaga sa ilalim ng kanyang pangangalaga. Kahit na malayo sa pamilya sa pinaka-delikadong mga oras ng araw. Para sa inaasam na kaginhawaan. Kahit pa malagay sa panganib. Kahit pa minsan ay sarili ang pinakamabigat na kalaban.

Nakakahangang-tunay ang di matatawarang lakas ng loob at pagsisikap na ipinamamalas ng mga taong ito. Marahil dahil sa mapaglarong panahon, o di-pambihirang pagkakataon, kaya sila nasadlak sa kanilang kinaroonan - pero di sila sumusuko. Patuloy silang gumigising, bumabangon, nakikibaka, namumuhay, nagmamahal, at umaasa. 

Sana, sana bukas makita naman nila ang bukang-liwayway na walang antok na pinaglalabanan, na walang sakit ng katawang iniinda, na kapiling ang mga mahal sa buhay. Sana bukas, at sa susunod pang mga bukas, tumingala kaming nakangiti, nagpapasalamat at nagagalak na sa bawat pagsikat ay patuloy kaming makikipaglaban para sa minimithing kinabukasan.