Pages

Thursday, August 4, 2011

BAGONG BUHAY

Mas payat na ako. Maluwag na ang dating masisikip na mga pantalon. Pero ayos lang kahit payat. Pangarap ko ito. Magagamit ko na uli ang santambak na mga damit mula nung kabataan ko pa. Di na kailangang bumili ng bago.

Mas marami na akong oras gumawa ng iba. Pero mas wala akong nagagawa. May life after work na din, pero ang night life ko ay umaga. Gising kasi ako sa oras ng tulog. Minsan pa, wala talagang tulog. Di kasi madaling matulog sa nakasanayang oras ng pagiging gising. Pero ayos lang, di pa naman ako bumabagsak sa antok.

Mas prominente na ang identifying mark ko. Di na maikakaila and panda look ko. Kung dati, walang tumatalo sa akin sa lawak ng eye shade, mas lalo na silang mahihirapan ngayon na daigin ako sa larangang ito. Pero ayos lang. Di naman ako masyadong conscious. Mukha namang "in" siya ngayon.

Mas maayos na ang buhok ko. Dahil nga may panahon na ako, wala na ang mga tikwas at unwanted curves. Sumusunod na siya sa galaw. Pero maayos nga ang buhok ko, mas magulo naman ang laman ng utak ko. Siguro ganyan lang talaga kapag bago...maraming bagay ang di alam na pilit inaalam na di naman agad nalalaman dahil iba-iba ang nag-papaalam. Pero ayos lang. Alam ko namang darating ang araw ng ganap na pagkatuto. Kailangan lang maging matiyaga habang naghihintay.


Mas konti na lang ang pinaghahandaan ko ngayon. Kung dati parang nasa pangangalaga ko ang mundo, ngayon, sarili ko lang ang kailangan kong bantayan. Nakakalungkot na unti-unti ko nang nakakalimutan ang mga dati kong kinasanayan. Pero ayos lang. Ganun ata talaga, kailangan pagbigyan ang bagong natututunan.

Mas marami na din akong kaibigan. Kahit bago, mapalad akong nakatagpo ng mga mababait at maalalahaning mga katuwang sa kabuhayan. Tila kasabay ng pamamaalam ng  "einstein look" (aka masyadong malayang buhok) ang paglisan ni Eins. Pinalitan na siya ni Anya. Iba na ang bukambibig. Iba na ang inaalala. Iba na ang ibinabahaging kaalaman. Bagong buhay, bagong pangalan, panibagong pakikibaka.


Kumusta na nga ba ako ngayon? AYOS LANG. :)


Tumatawa pa rin. Kumikita pa rin. Di pa naman napapagod. Nag-e-enjoy sa kakaibang karanasan. Patuloy na nagsisilbi, di nga lang pang-maramihan. Patuloy na nagsasanay sa bagong larangan. Patuloy na nagdarasal upang patnubayan ng Kanyang kapangyarihan. Patuloy na umaasang, kahit saan at ano pa man, mananatiling tapat sa layuning gumawa ng kabutihan.


Ikaw? Kumusta ka na?


Sana'y ayos lang din, kaibigan, :)





Saturday, July 30, 2011

My SSID

iNID. RG. FTTP. SHO. U-VERSE. HTML. POTS. STB. HPNA. LAN. WPA. NIC. URL. ATTIS. iPSU. BBU. FTTN. VIP 1216. CPE. BAU. SVCS. MT151. SBS. IPN330. IPDSLAM. WFE. WEP. DHCP. DNS. NYA. DOD. TAT. AHT. CRR. TA. SME. SOM. CAN8. CEC. PDC. VDSAT. QM/L. VIP. CBR. ETC.


These are just a few characters of the new language I am learning about. Well, what can I say?* "Mesmerizing" huh!


I have been dealing with this one for quite a long time now and I'd say I am getting the hang of it already. But, wait, there's more!* Being able to identify, define and describe these things is not even a quarter of what I am supposed to know to be able to survive in the new arena called technical support.


I have been through a lot of heart attacks since Day 1 until current date. I have never ever been this constantly challenged in my whole life! I may have been used to public speaking but what I thought I was comfortable doing has been shadowed by the demanding and perfection-seeking  position I've gotten myself into. Argh! Can I sorry, myself?* Of all the opportunities following the conclusion of my longest-termed, latest project, I took this one at the blink of an eye.


But I am not really sorry. Though I died after every evaluation/ assessment/ interview/ test, I have also been constantly resurrected every time. I almost, literally, felt my heart jumping out of its cage when I failed big time with a very simple thing. Oh my SSID*! It was a matter of life and death. It was among the very few moments when I wished for the ground to break and swallow me whole. Whoa! But I survived! I don't know. Either I am lucky, or I am blessed. :D 


The learning experience, though really mind-boggling,  has been FUN. Though I and my wave-mates kept transforming into our "soul" forms every now and then due to on-the-spot checks and tasks, we always find chances for laughter and happy times, and we always get the job done. Well, maybe not as perfectly as demanded, but getting closer and closer to the goal as days go by.


I consider the trouble I had with SSID as the best example for learning from mistakes. I may permanently carry the WEP tag but I know more now than what the letters are for. Our TAs and the SATs will always be there to put pressure on me but I will not let my BBU lose its energy. I know I have to improve on my AHT, do VIP to avoid CRR, take advantage of IPDSLAM and iNID cases, consider my own LSBBT to look into my QC and TAT performance, master RG and its neighboring systems, be more gentle with DOD, befriend BIBA, employ the "intricate" paths provided by WFE - all in all to ensure QCS.   


Time is of the essence. Everyday is a learning experience. Help, support and cooperation are significant requirements. 


I shall continue to be steadfast as MT151. Off to be SME! Hahaha! XD



Those marked with * are some of the wave's favorite expressions. So be them