Pages

Wednesday, January 26, 2011

PAGLISAN

5 dead, 14 hurt in bus explosion along EDSA


Headline for the day. So cruel. So there goes life. Taken swiftly, quickly, harshly. Oh how safe this haven on earth is! >.<

I was on my way to school, aboard a bus. Instead of being bothered by the heavy traffic that almost always costs me my peace of mind, I focused my attention to the news flash on TV. Whether it was unang hirit or magandang umga Pilipinas, there seemed to be nothing good about the morning. The news made me cry while it caused paranoia to the majority of the public who are used to mass transportations through PUVs like buses and trains.

Life is just unfair...

Paalam mga minamahal ko
At patawad sa aking dagliang paglisan
Kung may magagawa lamang ako, 
Di ko kayo iiwan.

Marahil sadyang ganun ang buhay;
May misteryong tangan at taglay.
Kahit gaano ka kaingat sa paglalakbay
Paminsan-minsan, sumasablay.

Alam kong masakit, at maaaring di tanggap
Aking pagpanaw malayo sa hinagap
Batid kong lubos ang inyong paghihirap...
Ah, sayang, bata pa ako, madami pa akong pangarap!

Ngunit mga minamahal, wala nang magagawa
Tanging ang mga walang-awa ang siyang natutwa
Hiling ko na lamang, nawa'y kumintal sa diwa
Poong Diyos na ang bahala sa di-makataong gawa!

Kaya't huwag nang malumbay,
Kung ako sa inyo's mawawalay
Sa Kanyang Kaharian nama'y
Mamamahay ako nang tunay!
 

Let us continue praying for the repose of the soul of the victims.
May the evil never win. 
To God be the glory.

No comments:

Post a Comment