Pages

Monday, February 14, 2011

HEARTS' DAY KWELA


YELI and ELMO in LOVE


Gising! Gising! Gising! Gising!
Bagong umaga'y pumi-paging.
Puso'y katukin, at gumiling-giling!
Sa araw na ito, pag-ibig ang king!

Kapag bumangon na'y masdan ang paligid.
Baka sakaling may nakatago sa pintong nakapinid!
Ngunit wag masyadong magpahalatang may batid,
Oh, talaga namang ang sorpresa'y may kaligayahang hatid!

Sa araw na ito'y matutuwa sa galak,
Lalo na kapag ika'y may kabiyak;
Buong araw ay sweetness to the max na tiyak,
ang mga kasapi ng SMV sana nama'y di maiyak!

Hahataw kung sa hahataw ang mga manliligaw!
Sinusuyong dilag sa iba'y di ipapa-agaw.
DI bale nang sa karibal ay magmukhang halimaw,
Basta't sa iniirog, pagmamahal ang mangibabaw!

Bulaklak, tsokolate at kung anu-ano pa,
Lahat kayang ibigay sa tanging sinisinta.
Mapalad ang maraming tagahanga,
Naku! Hair ng mga sisterettes, ang habaaaa!

Ano't ano pa man ang kahihinatnan
ng kwentong itong di malaman ang dahilan
isa lang ang puntong nais pahalagahan:
nawa'y ang araw na ito'y mapuno ng pagmamahalan.

Bow!
Maligayang Araw ng mga Puso! :-*

No comments:

Post a Comment