Kapag nag-isip kaya ako sa buong magdamag, papayat kaya ako? ang dami kasing laman ng isip ko, yung tipong mahirap makatulog nang mahimbing.. Hmm, masubukan nga.
May iniisip na nakaraan, meron ding panghinaharap. May binabalikang masaya, may iniiwasang pangit na alaala. Minsan, pati panaginip sumasagi pa din sa isipan. Ganun ba talaga? Siguro kung hindi ako tamad, at kung hindi ako nagpapadaig sa ADHD ko pagdating sa pagpokus sa sarili kong karera sa pagsusulat ay marami na tiyak akong naikuwento tungkol sa buhay ko at sa mga naiisip ko, kahit pa wala din naman makakabasa at makakarinig kundi ako. Marahil ay malalalim na din ngayon ang mga curves* sa utak ko. Ano nga ba ang tawag dun? Di ko na maalala. Ay, siguro hindi ganun kalalim kasi makakalimutin na ako eh. Pero sabi ng iba, ang galing ko daw magsaulo. May espesyal na turing pa nga sila sa memoryang yun - photographic memory. Hay, ewan. TskTskTsk! Matanda na talaga. Kung may pormula lang sana sa di pagtulog, malamang kinabisa ko na ang paglaban sa antok.
May naibahagi na akong kaisipan una dito. Subalit dahil sa mga pagbabagong nangyari ay hindi ko nai-save ito. Anaki's marami akong kaisipang nais isalaysay subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay may kakayahan akong magbahagi. Nakakalungkot isipin na bibihira na nga lang dumating ang mga pagkakataong ganito, di ko pa rin mabigyang-pansin. Marahil, tamang may oras para sa lahat. Ngunit nananaig pa rin ang katotohanang di lahat ay may pantay-pantay na kakayahan, karapatan o dili kaya'y kapangyarihan.
Madami akong mga katanungan...pero di naman lahat ay nangangailangan ng kasagutan...tanong lang. Iyong mga tipong pwedeng pag-isipan habang may inaantay na kung ano man. Mga tanong na kagaya ng:
1. Tatangkad pa ba kaya ako?
2. May nagawa ba akong mabuti ngayon?
3. May nahawaan ba ako ng kapangyarihan?
4. at iba pa...
Parang ewan, minsan nakakaakit tuloy tumanda.
Para nakatingin ka na lang sa kawalan.
Para mag-isip-isip na lang.
Para magmasid na lang.
Para magbalik-tanaw na lang habang nag-aantay ng takdang panahon ng paglisan.
Sana ganun na lang kadali...sana...

No comments:
Post a Comment